Posts

Showing posts from April, 2022

7 years old na bata patay matapos ihampas ng sarili niyang tatay sa sementadong kalsada

Image
  Nakakalungkot ang sinapit ng 7 years old na bata matapos itong ihampas at ihambalos   ng sarili niyang ama sa sementadong kalsada sa Villa San Isidro Rodriquez Rizal nitong huwebes.Naisugod pa sa ospital ang bata pero hindi na naisalba ang buhay nito dahil sa matinding pinsala sa ulo . Ayon sa ina ng bata, kahina hinala ang ikinikilos ng kanyang asawa bago naganap ang insidente kaya ikinulong niya ito sa loob ng bahay ngunit nagawa ng suspek na makatakas matapos niya ngang masira ang kandado ng gate.  Nakunan nga ng CCTV camera ang naganap na insidente kung makikita kung paano ihinambalos ng ama ang sarili niyang anak sa kalsada. May mga kapit bahay na tumulong ngunit bigo sila na agawin ang bata sa suspek.  Namatay din ang suspek matapos pag uuntugin nito ang sariling ulo sa pader habang nasa loob ng kulungan ayon sa PNP Rodriguez. ìkomento ang inyong saloobin tungkol sa balitang ito sa ibaba

Bella Poarch nagparamdam kay Joshua Garcia Netizen napareact

Image
  Ang 25 year old social media star na si Bella Poarch ay nagpost about what she was thinking while cooking. Tila nakuha ni Joshua Garcia ang atensyon ng Filipino-American singer. Matapos lumabas si Joshua sa latest tiktok ni Bella Poarch. Me cooking, my brain ... aniya kasama ang isang video ni Joshua na kumakanta at naggigitara sa background.  singer ba siya? caption ni Bella na sinagot naman ni joshua ng face peeking eye emoji.  Umabot na nga ng 16.6 million views ang video ng dalaga. Marami ang kinilig sa pagkakasama ni Joshua sa video ng dalaga ngunit may ilan pa rin na di mapigilang magreact at sinabing kapatid Bell pila po tayo ha? Saad pa ng isang netizen, sorry Bella walang sikat sikat dito pumila ka.  Matapos nga ang kanilang interaction sa Tiktok ay pina follow na nila ang isat isa sa Instagram.  Ibang klase talaga ang kagwapuhan ni Joshua maraming nabibighani. pero ang tanong ng lahat sino nga ba ang muling magpapatibok ng puso niya?  kayo sa tingin ninyo sino?